Lahat naman siguro ng tao ay gustong makaranas ng pagmamahal pero kung ang gusto mo ay ikaw lang laging pinagbibigyan at inaalagaan, parang hindi na tama iyon.
Magaling magmahal si Ica pero hindi niya pa nararanasang mahalin nang tama. Kaya nang makilala niya si Elmer, nakita niya kung gaano ito kaiba magbigay ng atensyon kumpara sa boyfriend niyang mahilig magpalibre at humingi ng pera.
Pakinggan ang kwento ni Ica sa Barangay Love Stories.