Mahirap maulila nang maaga at mahirap din kung maipagkatiwala ka sa taong walang ibang ginawa kungdi ang ipaalala sa iyo na isa kang pabigat. Ganyan ang naging buhay ni Aira sa piling ng kanyang tiyahin. Buti na lang at nakilala niya si TJ, ang taong magiging karamay niya sa lupit ng buhay. Pakinggan ang kuwento ni Aira sa Barangay Love Stories.