Kahit na mahirap, buong puso ang pagtulong ni Yna sa ate niyang si Camille at sa anak nito. Naging sakitin si Camille matapos manganak kaya si Yna na ang bumuhay sa munti nilang pamilya. Sa kabila ng kanyang pagsusumikap, mararanasan niya ang isang nakakagimbal na pangyayari na magpapabago ng kanyang pagtrato sa mga tao sa paligid niya. At hindi lang siya ang makakaranas nito, pati na rin ang pinakamamahal niyang pamangkin.
Pakinggan ang kwento ni Yna sa Barangay Love Stories.