Bukod sa pangongolekta ng mga manika, ang lola ni Chichay ay isa ring Espiritista. At ang mga manikang pagmamay-ari nito ay hindi lang basta manika, dahil bawat isa rito ay may kwento.
Hindi naniniwala sa mga kababalaghan si Chichay pero mukhang magbabago ang isip niya dahil sa kanyang lola. Pakinggan ang kwento ni Chichay sa Barangay Love Stories.